MENU

Bilang pag-iingat sa mabilis na pagkalat ng COVID-19 at alinsunod sa pagdeklara ng quasi state of emergency sa Okinawa, nais pong ipabatid ng Philippine Embassy sa Tokyo na mapo-postpone ang Okinawa Consular Mission na naka-scehdule sa 22-23 January 2022 sa Naha City.

Maglalabas po ulit ang Embassy ng announcement sa aming FB page at website kung kailan mare-reschedule and consular mission sa Okinawa at kung paano muling makapagpa-appointment.

Habang aming pong tinitingnan kung kailan mare-reschedule ang consular mission, nais po naming abisuhan ang mga aplikante na gawin ang mga sumusunod:

1) Passport

  • Para po sa mga may emergency at hindi makakapaghintay sa pag-reschedule ng consular mission sa Okinawa, maaaring mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. para mabigyan kayo ng options sa mga maaaring gawin.
  • Para po sa mga nais magpunta sa Tokyo upang magpa-renew ng passport, kumuha lamang po ng online appointment sa link na ito: https://www.passport.gov.ph/.

2) Civil Registration

  • Para po sa mga nagnanais na mag-apply ng civil registry (Report of Birth, Report of Marriage, Report of Death, at LCCM), maaari ninyong ipadala sa postal mail ang inyong civil registry application.
  • Para po masigurado na kumpleto ang inyong requirements, i-email muna ang inyong mga dokumento sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..
  • Para sa kumpletong listahan ng requirements, paki-check ang link na ito: https://tokyo.philembassy.net/consular-section/services/civil-registration/#nav-cat

3) Notarials

  • Para po sa mga may ipapa-notaryo, maaaring i-avail ang Apostille process. Paki-check po ang link na ito para sa impormasyon tungkol sa Apostille: https://tokyo.philembassy.net/consular-section/services/notarial-services/apostille-formerly-authentication/#nav-cat
  • Para po sa NBI application, renunciation at dual citizenship, maaaring mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. upang mabigyan ng advice sa mga maaaring gawin.

Ang kalusugan at kaligtasan po ng lahat ang ating prayoridad. Sapagkat ang pagtaas ng COVID-19 cases dito sa Japan ay iniuugnay sa mas nakakahawang mutant strain ng nasabing virus, amin pong inaabiso sa lahat na ipagpaliban muna ang paglabas o pagbiyahe at sundin ang mga health and safety protocols ng inyong local na pamahalaan.

Maraming salamat po sa patuloy ninyong pag-unawa at pag-suporta.