Nagsimula na po ang pag-mail ng mga voting packets sa mga registered overseas voters sa Tokyo. Ang voting packets ay naglalaman ng inyong ballota, instructions sa mga botante, seal, at return white envelope.
Meron na pong mga voting packets na binalik ng Japan Post sa Philippine Embassy in Tokyo. Ito po ay dahilan sa “incomplete address” o di kaya “Unknown address”.
Meron din pong mga voting packets na ang declated address ay “c/o of the Philippine Embassy”.
I-check po ang listahan ng “Return-to-Sender” and c/o Philippine Embassy at mangyari pong kunin ng personal ang inyong mga voting packets. (Link: RTS List 2019)
Kung malayo po kayo sa Embassy, send your correct address para maipadala namin ulit ang inyong voting packets by postal mail. Isulat ang mga sumusunod sa email address na: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.:
- Buong pangalan (kasama ang middle name)
- Current address (complete details with ZIP code)
Exercise your right to vote! Maraming salamat po.